Thursday, December 25, 2008

Ruffa Gutierrez and Kris Aquino deny that there’s friction between them

"Do you like me?" direktang tanong ng host na si Ruffa Gutierrez kay Kris Aquino kahapon (Disyembre 21) sa The Buzz hinggil sa patuloy na intrigang mayroong hidwaan ang dalawa. "Yes," mabilis na sagot ni Kris, na dinugtungan ng tanong kay Ruffa na: "Is there any reason for me to dislike you?" Sagot naman ni Ruffa, "No, I'm such a nice girl," sabay tawa ng dalawa at ng isa pang host ng The Buzz na si Boy Abunda.

Kamakailan ay nagkaroon ng chismis na not in good terms sina Ruffa at Kris dahil sa diumano'y madalas na magkasalungat ang kanilang opinyon samga paksa sa POV (Point, Opinion, Violent Reactions) segment ng show. "Sa akin po talaga hindi totoo 'yun," paliwanag ni Ruffa kay Kris. "You know, I really look up to Kris. I've told you that again and again. Wala talagang isyu para mag-away kami. For one, you're in a very comfortable place right now. Why would you be insecure naman of poor cute little me?" nakangiting bangit ni Ruffa.

Sa paliwanag ni Kris, ang tanging naiisip lamang niyang dahilan na posibleng ikinagalit sa kanya ni Ruffa ay ang kanyang mga walang pakundangan na mga biro sa aktres. "Diretsong sagot dun ah, I can attest to this, I think you should attest to this also," patukoy kay Ruffa. "'Yung second episode I think there was a Tough Ten or some interview and I said, 'You wanna join?' Yung parang when it comes to work talaga, hindi ako selfish person. Kung na-hurt man kita dun sa mga nasabi ko when I was joking with you, I won't joke na." mabilis na explanation ni Kris. Isinagot naman ni Ruffa na hindi siya nasaktan doon at idinepensahang mayroon din siyang mga kaibigan na prangka at mataray kaya't sanay na siya rito. "You're not naman mataray, you're so nice nga, eh," ani Ruffa kay Kris.

Ipinaliwanag naman ni Boy Abunda ang sitwasyon nila bilang hosts ng The Buzz. "Dito sa POV lalo na, 'pag nagsasabay-sabay tayong mag-usap, it's a function of the portion. This is spontaneous. This is not planned so 'pag may naiisip si Kris at si Ruffa, minsan may pagkakataon—I plead guilty—na minsan nagkakasay-sabay kami. But again, that is a function of POV. But as much as we can, we do try to give each one a chance to talk," paliwanag niya."May mga tao talaga na hindi nila ma-picture na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao, who are doing the same thing. But we have our own areas to shine, you (Ruffa) have your Betty La Fea and I have my Kapamilya, Deal or No Deal," dagdag ni Kris.

At sinabi pa ni Boy na kasama sa inaabangan ng mga manonood ng The Buzz kung ano ang susuutin nina Kris at Ruffa at siyempre kung ano ang kanilang mga sasabihin. Pabiro pa itong nagsabi na siya talaga ang dehado sa dalawa. “Ako po ang api dito,” sabay halakhak ng tatlong hosts.

No comments:

Post a Comment