
Coming from Anne Curtis, three months na raw silang off ni Sam Milby at taas-noo nitong sinasabi na unti-unti na siyang nakaka-move-on sa paghihiwalay sa Fil-Am actor, na ang itinuturong dahilan ay ang kanilang faith. "Well, it's three months na at okay na 'yon." bungad ni Anne sa press con ng Baler a few days ago. Kahit papaano, naka-move on na raw ito at naka-focus sa kaniyang sariling career. However, masayang-masaya si Anne lately dahil dumating kamakailan lamang ang kaniyang buong pamilya dito sa 'Pinas para mag-celebrate ng holidays. "Dumating sila the other night at dito sila until January 23. Kaya masayang-masaya ako. The original plan ay ako ang uuwi . Every year naman, lagi akong umuuwi, di ba? But because of Baler in the film fest, kinakailangang nandito ako for the promo. Mas praktikal, imbes na ako ang umuwi , sila yong nandito. Kawawa naman ako sa Pasko kung mag-isa lang ako."
Speaking of Baler, dito raw sa movie ay may mga limitations na ang aktres sa kaniyang mga intimate o love scenes. Maraming nagsasabi na nag-iinarte daw sina Anne at maging si
Ipinagmamalaki din ni Anne ang pagkakasali nito sa Baler with Echo dahil ibang-iba daw ang ginawa nitong akting sa nasabing peiod movie handog ng Viva Films. Balitang sa ganda ng ipinakitang akting, mano-nominate ito sa pagka-best actress. Hindi kaya sila mag-compete ni Ai Ai delas Alas for the actress trophy knowing na magaling din ang komedyana? "Totoo?" Halos di-makapaniwalang buwelta ni Anne sa ABS-CBN.com. I guess it's one of the thing na even if it's no award sa best actress, just because our movie is drama, it doesn't mean na it will outright win awards. Kasi, when you talk about acting naman, it is all categories, all genres. So to be even considered nominated, it's an honor," nangingiting pahayag ni Anne. " Kasi, hindi naman ako laging nominated . So, just to be nominated, happy na ako do'n."
Nilinaw na rin ni Anne during the press con ang isyung pagpaplastikan daw nila ni Toni Gonzaga, at napansin daw ito no'ng minsang mag-guest si Anne sa Entertainment Live kung saan ay host si Toni. "Nasagot ko na 'yon before. Hindi kami nagpaplastikan and I think I know her that well na hindi naman siya ganu'n klaseng tao na namamlastik o hindi namamansin. Okay na kaming dalawa. Hindi man kami nagha-hang-out pero nagkikita kami every Sunday sa ASAP. Hindi ko talaga alam kong saan nanggaling ang intrigang ‘yan ha," sabay tawa ni Anne.
No comments:
Post a Comment