
“From the bottom of my heart, I am the happiest man in the world because of you guys.” Ito ang pagpapasalamat ibinigay ni Jericho Rosales sa mga miyembro ng media nang makapanayam siya dahil sa kanyang big comeback sa showbiz.
Maraming tao ang pumuri sa aktor dahil hindi pa rin kumukupas ang kanyang galing sa pag-arte at nangako pa si Echo na patuloy pa niyang gagalingan. “I’m going to show you better things and asahan n’yo po ‘yan. I’ll always be thankful and I’ll be grateful dahil sa mga binigay n’yo sa akin.”
Ang katatapos lamang na teleseryeng Kahit Isang Saglit kung saan nakasama ni Echo ang Malaysian actress na si Carmen Soo ang kanyang big TV series habang Metro Manila Film Fest entry na Baler kung saan naman kasama niya si Anne Curtis ang kanyang major movie project para sa 2008.
Ibinalita rin kamakailan na sisimulan na next year ang kaniyang project kasama ang dating leading lady at former girlfriend niyang si Kristine Hermosa. Nauna rito, nagtambal na ang dalawa sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Ibinahagi ni Echo na sobrang okay sila ngayon ni Kristine at sa katunayan ay magkapitbahay pa sila. “I’m glad na kahit matagal kaming hindi nagkita, she still considers me as one of her close friends, which is good,” kuwento ng aktor. “Kami naman kung ano ‘yung nangyari dati, tapos na ‘yon, eh. Mga bata pa kami non. Ang importante ngayon masaya kami ‘pag nagkikita, ‘pag nagtatrabaho. Very supportive siya, ‘yun ang pinakaimportante roon.”
Samantala, nabanggit din ni Echo na willing siyang batiin ang kanyang former girlfriend na si Heart Evangelista ngayong Kapaskuhan, subalit mas gusto niyang huwag nang pag-usapan pa ang kanilang nakaraan. Aniya, pareho nang maganda ang takbo ng buhay nila, lalo na ang kani-kanilang mga career. “She knows that parati ko siyang ipinagdarasal. I always wish her the best. And si Heart will always be a part of my heart. With regards to other negative things, I’m done, tapos na. I think she’s doing well. Everything is going right with me, pagkatapos ng lahat ng bagyo, humupa na ang lahat, matiwasay na ang lahat.”
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay willing ba siyang balikan pa si Heart? “Only God knows, but as of this moment, parang wala lang muna. Magaling na ako, okay na rin siya. I know she’s where she wanted to be I don’t want to talk about that. I’m happy being single. I want to make friends and focus on that muna, work, family loved ones.”
No comments:
Post a Comment